Pagpapatatag sa sektor ng agrikultura laban sa climate change, makakatulong sa food security ng bansa

Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang kahalagahan na mapatatag ang sektor ng agrikultura laban sa epekto ng climate change para matiyak ang food security sa bansa.

Sinabi ito ni Lee bilang pag-ayon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa world leaders na palakasin ang food security sa East Asian region.

Sabi ni Lee, para makamit ito ay dapat bigyan ng suporta at sapat na pondo ang mga programa ng Department of Agriculture (DA) para sa pananaliksik at pagpapatupad ng mga hakbang na tutugon sa epekto ng climate change sa bawat komunidad.


Binanggit ni Lee ang report ng DA na mayroon nang ginagawa ang mga maliliit na magsasaka para harapin ang dulot ng climate change tulad ng aquaculture systems, livestock systems, vegetable production, integrated farming systems, and maize and rice cultivation.

Pero ang problema, ayon kay Lee, kulang o walang available sa bansa na improved seed at hindi rin sapat ang kanilang financial resources para makamit ang kailangang kagamitan, kaalaman, at kakayahan.

Tinukoy rin ni Lee ang Germanwatch Institute’s 2021 Global Climate Risk Index na nagsasabing ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansang pinaka-apektado ng climate change mula taong 2000 hanggang 2019.

Facebook Comments