Iminungkahi ni dating Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na patawan ng 5% sa savings ang lahat ng ahesya ng gobyerno.
Ang halagang malilikom mula sa pondong natipid ng ahensya ay maaaring gamitin na dagdag pang-ayuda sa mga Pilipinong apektado ng serye ng pagtaas sa presyo ng langis.
Sakaling maipataw ang pagbibigay ng 5% sa savings ng mga government agencies ay makakalikom ang pamahalaan ng ₱250 billion.
Maaari aniyang makapamahagi ang gobyerno ng ₱10,000 financial aid sa bawat pamilyang Pilipino at may matitira pang ₱50 billion mula rito bilang standby funds.
Sinabi pa ng kongresista na napakaliit lang ng 5% sa savings ng mga kagawaran kaya tiyak naman na walang magrereklamo.
Suportado naman ng mambabatas ang pagbibigay ng ₱200 na monthly subsidy sa kada household ng mga mahihirap na pamilya ngunit may mas magagawa pa rito ang pamahalaan.