Ipasisilip ni Senate Ways and Means Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang pagpapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25% withholding tax at 12% VAT sa lahat ng cross-border services na ibinibigay ng mga non-resident foreign corporations (NRFC).
Ipinunto rito ni Gatchalian na dahil sa patong-patong na buwis ay maaaring itaboy nito ang mga dayuhang kompanya na magnegosyo sa Pilipinas.
Dagdag pa ng senador, posibleng tumaas ang halaga ng pagnenegosyo sa bansa na hindi malabong magpababa sa competitiveness ng bansa pagdating paghikayat ng mga foreign investors.
Sinabi ni Gatchalian na mahalagang ma-review ng Senado ang inisyung ito ng BIR at tiyakin na ito ay hindi lumalagpas sa itinatakda ng batas at desisyon ng Korte Suprema.
Iginiit naman ng ilang business groups na may posibilidad na ipasa ng mga dayuhang mamumuhunan na may cross-border services ang ibabayad nilang VAT at withholding tax sa kanilang mga consumers.