Pagpapataw ng buwis sa maaalat na pagkain, dapat na pag-aralang mabuti-oposisyon

Hiniling ni Marikina Rep. Stella Quimbo na pag-aralang mabuti ang balak na pagpapataw ng buwis sa mga pagkaing may mataas na salt content.

 

Paliwanag ni Quimbo na isa ring ekonomista, kung tuluyang magkakaroon ng mataas na buwis sa mga maaalat na pagkain ay direkta at higit na matatamaan dito ang mga mahihirap.

 

Sinabi pa ni Quimbo na kung health concerns ang paguusapan tulad ng depensa ng Department of Health (DOH) na


mataas ang bilang ng mga Pilipinong namamatay sa non-communicable disease (NCDs) tulad ng hypertension at heart disease dahil sa unhealthy diet at mataas na salt intake, lumalabas na ang mga mayayaman ang may mataas na incidence rate na nasa 17.2% habang ang mga mahihirap ay nasa 3.7% lamang.

 

Ang mataas din na salt intake ng mga mayayaman ay galing sa processed meat na kasama sa malaking porsyento ng kanilang food budget.

 

Kung pati ang mga sardinas, daing, instant noodles at iba pa na madalas na kinakain ng mga kapos sa buhay ay bubuwisan, tiyak na mga mahihirap ang unang tatamaan sa Asin Tax.

 

Dahil dito, hiniling ni Quimbo na pagisipang mabuti ng DOH kung kanino dapat itutok ang pagbubuwis sa maaalat na pagkain.

 

Hinikayat din nito ang DOH na palawakin ang kanilang information campaign tungkol sa tamang pagkain na pakikinabangan ng lahat ng income groups sa halip na isulong ang pagpapataw ng buwis.

Facebook Comments