Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapataw ng environmental tax sa ilang kumpanyang gumagawa ng plastic na hindi pwedeng i-recycle.
Kabilang na rito ang styrofoam, paper cups na may wax at straw.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda – problema pa rin kasi ang kawalan ng disiplina.
Nais ng DENR na kasuhan at patawan ng residual charges sa mga kumpanyang lalabag.
Patuloy din na makikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga mambabatas para sa mga solusyon sa ganitong usapin.
Matatandaang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide plastic ban kasunod ng tumitinding usapin sa climate change.
Facebook Comments