Hindi babaligtarin ng Malacañang ang patakaran ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpataw ng mataas na corporate income tax sa mga pribadong paaralan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, suportado nila ang katayuan ng Department of Finance (DOF) ukol sa tax regulation na nagpapataw ng 25-percent corporate income tax sa mga pribadong paaralan.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi pa kailangan sa ngayon na baguhin ang tax regulation.
Ang BIR ay sumusunod sa TAX Code kapag sila ay bumubuo ng bagong patakaran.
Bago ito, nanawagan ang Coordinating Council for Private Educational Associations (COCOPEA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin nag BIR ruling.
Anila, posibleng magdulot ito ng “irreparable damage” sa mga paaralan lalo na at itataas ang tax rate sa 25-percent mula sa 10-percent.