Balak ng Metro Manila Council na ipatupad na sa Abril ang pagpapataw ng multa sa mga e-vehicle na dadaan sa national road sa Metro Manila.
Ito ay kinakailangan muna ng 15 araw matapos ang publication at awareness campaign bago ito ipatupad.
Una nang nagpasa ang Metro Manila Council ng resolusyon hinggil sa pagpapataw ng ₱2,500 na multa sa mga e-trike at e-bike na dadaan sa national roads na nasa hurisdiksyon ng MMDA.
Nakasaad din sa resolusyon na oobligahin ang mga driver ng e-vehicles na magkaroon ng lisensiya.
Kabilang sa mga lugar na bawal daanan ng e-vehicles ay ang mga sumusunod:
C1: Recto Avenue
C2: Pres. Quirino Avenue
C3: Araneta Avenue
C4: Epifanio Delos Santos Avenue
CS: Katipunan/C.P. Garcia
C6: Southeast Metro Manila Expressway
R1: Roxas Boulevard
R2: Taft Avenue
R3: SLEX
R4: Shaw Boulevard
R5: Ortigas Avenue
R6: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd
R7: Quezon Avenue/ Commonwealth Avenue
R8: A. Bonifacio Avenue
R9: Rizal Avenue
R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue
Marcos Highway