
Nilinaw ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na ang Senate Committee on Ethics lamang ang maaaring magpasimula ng parusa laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Paliwanag ni Lacson, ang pagpaparusa sa isang senador o kongresista ay maaari lamang mangyari kung may reklamo na sa Committee on Ethics at may magrekomenda ng parusa.
Kung wala naman aniyang reklamo sa isang senador na inihain sa Ethics committee, wala namang batayan ang liderato ng Senado na patawan ng kahit anong parusa ang isang mambabatas.
Posible aniya ang rekomendasyon ng pagpapatigil ng sahod.
Hindi naman basta-basta ipinapataw ang suspensyon sa isang mambabatas dahil kailangan may serious offense na nagawa at pagbobotohan pa ito sa plenaryo.
Nauna na aniyang nagpahayag si dating Senator Antonio Trillanes IV na sa Mayo ay maghahain ng reklamo laban kay Sen. Bato sa Ethics Committee dahil sa matagal nitong hindi pagpasok sa Senado.










