Pagpapataw ng parusa sa mga military leaders ng Myanmar, inaprubahan na ni US President Joe Biden

Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang isang executive order na magpapataw ng parusa sa mga military leaders ng Myanmar.

Ang kautusang ito ay kasunod ng nagaganap na kudeta sa nasabing bansa.

Ayon kay Biden, sa pamamagitan ng kautusang ito, magkakaroon na ng agarang sanctions sa mga military liders na nagpasimuno ng coup.


Kabilang din sa mabibigyang-parusa ay ang kanilang pamilya at mga negosyo.

Nakatakdang namang i-anunsiyo kung ano-ano ang mga sanctions na ipapataw sa nabanggit na mga military leaders.

Facebook Comments