Pagpapataw ng parusa sa mga water concessionaires na hindi tutupad sa serbisyo, pinag-aaralan na ng Kamara

Pag-aaralan na ng kamara na malagyan ng penalty provision ang mga water concessionaires na hindi sumusunod sa kanilang kontrata.

Sa pagdinig ng Oversight Committee on Metro Manila Development, sinabi ni House Speaker Gloria Arroyo na ipinabatid sa kanya ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na walang itinatakdang parusa sa water concessionaire na makalalabag sa kanilang serbisyo.

Bubuo ang Kamara ng kaukulang parusa na ipapataw sa mga water companies na hindi tutupad sa kanilang tungkulin.


Inamin din ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty na wala silang kapangyarihan para magpataw ng multa at parusa sa Manila Water kahit pa malinaw ang kanilang mandato na magbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo sa mga customers.

Sinabi ni Ty na ang tanggi nilang magagawa ay pagbasehan ang naging performace ng Manila Water sa kanilang rate rebasing na makaka apekto sa kanilang pagtaas ng presyo pero ito ay sa taong 2022 pa.

Facebook Comments