Manila, Philippines – Isinusulongngayon sa Kamara ang pagpapataw ng sin tax sa mga pagkaing may asin.
Batay sa house bill 3719na pinapanukala ni Masbate Representative Scott Davis Lanete, ‘silent killer’na maituturing ang asin dahil maari itong maging sanhi ng high blood pressurena mauwi sa atake sa puso o stroke.
Dahil sa masamang epektong asin, maraming bansa na ang nagpataw ng dagdag buwis sa mga produktong mayasin para maiwasan ang pagkonsumo nito.
Ayon kay Lanete – angpagpapataw ng buwis sa produksyon, pagbili at pagbenta ng mga pagkaing may asinay makakatulong para maiwasan ito ng mga tao.
Makakatulong pa aniyaito para magkaroon ng dagdag kita ang gobyerno.
Sa ilalim mg panukala,ang mga produktong may sangkap na asin tulad ng mga delata, processed foods atchitchirya ay papatawan ng pisong buwis para sa bawat miligram ng asin nalalagpas sa 1/3 na inire-rekomenda ng Dept. of Health.
Pagpapataw ng sin tax sa mga pagkaing may asin, isinusulong sa Kamara
Facebook Comments