Hindi pa ikinokosindera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatawag ng special session sa Kongreso para aksyunan ang mga panukalang tutugon sa sunod-sunod taas-presyo sa langis.
Sagot ito ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa panawagan ni House Deputy Speaker at 1-Pacman Party-List Rep. Michael Romero na nagtutulak sa mga panukalang magbabawas o magsususpinde sa fuel excise tax.
Ayon kay Nograles, dapat na mag-usap muna ang Kamara at Senado saka makipag-usap kay Pangulong Duterte ukol dito.
Nabatid na may 6 na araw na lamang ang parehong kapulungan ng Kongreso para talakayin ang lahat ng nakabinbing panukala matapos na mag-adjourn ng session noong Pebrero 4 para bigyang-daan ang panahon ng kampanya.
Sa Mayo 23 na magbabalik-sesyon ang Kongreso.