Inihain ngayon sa pangalawang pagkakataon ang paghahanda ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan kaugnay sa planong pagpapatayo ng bagong Fire Station sa lungsod sa naganap na regular session ngayong araw.
Ayon sa kawani ng BFP Dagupan, inihahanda na nila ang mga kakailanganing requirements bilang pagtalima sa kautusan ng Regional Office upang madownload na ang pondo para sa nasabing fire station.
Nasa 25M naman ang halaga ng inaasahang pondo para sa makabagong fire station kung saan ito ay pinaplanong three storey building, saklaw ang mga sumusunod na dapat taglayin ng isang fire station.
Hinihintay na lang din umano ang isang aprubadong resolusyon na magmumula sa Sanggunian Panlungsod members upang maumpisahan na ang nasabing proyekto.
Mungkahi naman ng ilang konsehal na kinakailangan nito ang agarang aksyon mula sa kanila lalo na at mayroong itinakdang deadline na nangangailangan ng compliance ng mga kawani ng ahensyang BFP.
Samantala, muling diringgin ang nasabing ordinansa sa susunod na session upang alamin pa ang pag-usad nito. |ifmnews
Facebook Comments