Posibleng magpatayo ng bagong municipal hall ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sakaling makalikom na ng pondo ang tanggapan sa loob ng tatlong taon.
Isa umano itong prayoridad na proyekto sa bayan sa kabila ng hindi gaanong matibay na konstruksyon ng gusali para sa kaligtasan ng mga empleyado at mga bumibisitang residente.
Hangad din na gawin itong income-generating facility sa paglalagay ng commercial spaces sa ground floor na maaaring magbukas ng mga bagong establisyimento sa bayan.
Bukod sa munisipyo, tinitingnan din ang posibilidad na gawing museo ang Presidencia sa bayan na naging opisina ng mga gobernadorcillo at alcalde mayor sa bayan noong panahon ng mga Kastila.
Iginiit ng tanggapan na tutukan ang mga naturang proyekto para sa ikaaangat pa ng mga pasilidad at antas ng mga istruktura na ipinapatayo sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments