Sumasailalim sa reevaluation ang planong pagpapatayo ng 32.15 kilometer interlink bridge sa pagitan ng Bataan at Cavite.
Ang Bataan-Cavite Interlink Bridge Project ay bahagi ng Build Build Build Program ng pamahalaan, kung saan itatayo ang four-lane bridge mula Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan tatawid ng Manila Bay at magtatapos sa Barangay Timalan, Naic, Cavite.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) OIC Undersecretary Jonathan Uy, patuloy na pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung feasible ba ang pagpapatupad ng proyekto.
Dagdag pa ni Uy, ang halaga ng proyekto ay mas mataas pa sa budget ng Public Works.
Noong Oktubre, nilagdaang ng DPWH ang ₱3.03 billion contract para sa pagbuo ng detalyadong engineering design para sa proyekto.
Sa proyekto, mapapabilis ang biyahe sa pagitan ng dalawang lalawigan mula sa 20 hanggang 30 minuto mula sa kasalukuyang limang oras.