Pagpapatayo ng border wall ni Trump, kinondena ni Pope Francis

Mariing kinokondena ni Pope Francis ang mga political leader na nais magkaroon ng bakod o harang sa kanilang “bakuran” upang hindi makapasok ang mga dayuhang bisita.

Ayon sa Santo Papa, ang mga nagsusulong nito ang magiging bilanggo sa kanilang bakod na itinayo pagdating ng huli.

Ginawa ni Pope Francis ang pahayag habang nasa eroplano pauwi galing Morocco bilang sagot tungkol sa migration at sa plano ni US President Donald Trump na magtayo ng border wall sa pagitan ng Amerika at Mexico.


Una nang idineklara ni Trump na national emergency ang pagpapatayo ng wall.

Facebook Comments