Matapos ang tatlong taon, sisimulan na ang konstruksyon ng mga pasilidad para sa Department of Agriculture (DA), Philippine Rural Development Project (PRDP)-Investment on Rural Enterprise and Agricultural Productivity (I-REAP) on Cacao Production and Marketing Enterprise.
Ito’y matapos pormal na isinagawa ang ground breaking ceremony sa may Barangay Segabe, Pinan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte para sa itatayong Cacao nursery na nagkakahalaga ng sobraP1.4 million at ang vermicast facility na nagkakahalaga ng P713,500.00.
Ang nasabing pasilidad ay bigay ng DA-PRDP para sa Pinan Multi-purpose Cooperative (PIMPCO), isa sa tatlong kooperatiba na nagkakaisa bilang partner para sa negosyo sa Cacao sa probinsya.
Ang Cacao Production and Marketing Enterprise sa ilalim ng DA-PRDP ang siyang pinaka-una at pinakamadaling maipatupad dito sa rehiyon 9.
Nanguna sa nasabing ground breaking si Zamboanga del Norte Vice-Governor Senen O. Angeles at ilang mga opisyal sa lalawigan. *-30- (M. L)*
Pagpapatayo ng Cacao nursery at Vermicast Facilities sisimulan na ng DA-PRDP sa Zamboanga del Norte.
Facebook Comments