Sisimulan na ang konstruksyon ng Calmay Bridge sa Dagupan City matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony, kahapon, December 20, 2024.
Magiging bahagi ang bagong tulay ng Pangasinan-Zambales Road to Judge Jose De Venecia Ext. Bypass and Diversion Road kung saan konektado na ito sa City proper ng lungsod.
Dinaluhan ang naturang aktibidad ni Mayor Belen Fernandez kasama sina 4th District Representative Cong. Christopher De Venecia at iba pang kawani ng gobyerno.
Dinaluhan ang naturang aktibidad ni Mayor Belen Fernandez kasama sina 4th District Representative Cong. Christopher De Venecia at iba pang kawani ng gobyerno.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Brgy. Calmay Captain Joven Salayug, makatutulong ang naturang proyekto hindi lamang sa mas pinabilis na transportasyon maging ang potensyal din na pagpasok ng mga negosyo sa barangay at lungsod.
Samantala, inaasahan ng ilang Dagupeños ang pagtatapos nito upang makatulong pagdating sa pag-ibsan ng daloy ng trapiko sa mga kakalsadahan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









