Pagpapatayo ng Caloocan City campus, nagpapatuloy sa harap ng hamon ng pandemya

Sa harap ng mga hamong hatid ng COVID-19 pandemic ay tuloy-tuloy pa rin ang konstruksyon sa ipinapatayong bagong University of Caloocan City (UCC) campus sa Bagong Silang, Caloocan.

Apat na palapag na gusali ang itinatayo para sa bagong UCC Bagong Silang campus.

Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan, magkakaroon na ng College of Engineering para sa mga iskolar sa lungsod.


Target aniyang matapos ang pagpapatayo ng pang-apat na UCC campus na ito sa susunod na taon.

Facebook Comments