PAGPAPATAYO NG COVERED COURT SA BRGY. SINIPPIL, ISINUSULONG

CAUAYAN CITY- Isa sa mga proyektong nais maisakatuparan ng Brgy. Sinippil ay ang pagpapatayo ng kanilang covered court sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Infrastructure Michael Bite, apat na milyong piso ang ilalaang badyet para sa konstruksyon nito kung saan magmumula ang pondo kay Municipal Mayor Jaycee Dy.

Aniya, dahil wala silang covered court sa barangay ay napipilitang gamitin ito ng mga residente maulan man o maaraw.


Gayunpaman, kapag natapos ang proyektong ito ay dito na isasagawa ang iba’t-ibang aktibidad ng barangay.

Samantala, sisimulan ang konstruksyon ng nasabing proyekto sa susunod na taon.

Facebook Comments