Pagpapatayo ng evacuation center sa bawat lugar, isinusulong

Isinusulong muli ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Sa Senate Bill 2451 o ang panukalang Ligtas Pinoy Centers Act na layong magtayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas.

Ang mga naturang evacuation centers ay magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga mamamayang apektado ng mga sakuna at kalamidad kagaya ng pagbaha, bagyo, lindol, sunog, at ang pagkalat ng anumang mga sakit.


Paliwanag ni Gatchalian, sa pamamagitan ng panukala ay maiiwasan nang gamitin ang mga paaralan bilang evacuation centers dahil nakakaabala ito sa pagpapatuloy ng edukasyon.

Binigyang-diin ng Senate Committee on Basic Education Chairman na sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 37 hindi dapat lumagpas sa 15 araw ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation center.

Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act, minamandatong tiyakin na ang mga evacuation centers ay magiging matatag sa gitna ng pananalasa ng mga lindol na may magnitude 8.0 at mga super typhoon o wind speed na 300 kilometers per hour.

Facebook Comments