Pagpapatayo ng evacuation centers, prayoridad na rin ng gobyerno – DPWH

Ipaprayoridad din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng evacuation centers sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, layunin nito na hindi na magamit ang mga eskwelahan bilang evacuation center at hindi maantala ang klase tuwing may kalamidad.

Mula nitong Mayo, aabot na sa 82 evacuation centers sa 52 lalawigan ang naipatayo.


Mayroon pang 55 evacuation centers ang kinukumpleto.

Ani Villar, ang mga evacuation centers na itinatayo ay matibay at naaayon sa pamantayan.

Mayroon din itong infirmary, breastfeeding room, communication room at PWD friendly.

Facebook Comments