
Iniutos ng Bureau of Corrections (BuCor) ang papapatayo ng halfway houses sa lahat ng bilangguan.
Ito’y para sa mas maayos na pagbabalik ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa lipunan at Reintegration Program.
Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., layunin nito na ihanda ang mga PDL sa kanilang nalalapit na paglaya at matiyak na may sapat sila na suporta.
Aniya, mahalaga umano ang nasabing programa para tulungan ang mga PDL para sa muling paglabas mula sa bilangguan.
Magsisilbing tahanan ang mga halfway house para rin sa mga pinalaya na pero wala pang tirahan.
Facebook Comments









