
Nanindigan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na mas palalakasin pa ang serbisyong pangkalusugan para sa kapakanan ng mga Pangasinenses.
Ayon kay Pangasinan Governor Guico III, isa sa adhikain nito ngayon pagpapatayo ng mas marami pang ospital sa ilalim ng Health Care Law.
Kabilang pa rito ang pagtatayo ng prosthesis center, libreng animal bite treatment, maging ang procurement ng mga medical equipment tulad ng mammogram machines at iba pa.
Sa pagsasakatuparan ng mga nabanggit na plano sa sektor ng pangkalusugan, tiniyak ng gobernador ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Samantala, umaasa naman ang mga Pangasinenses sa mas kalidad at mas accessible na mga serbisyong medikal para sa pagkamit ng malusog at ligtas na pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









