Muling iminungkahi ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa Dagupan City na makatutulong sa mga ina at mga bata sa lungsod.
Ayon kay re elected Mayor Belen Fernandez, nagkaroon na ng filing ng resolution kung saan gagawin itong urgent, upang maumpisahan na ang pagpapatayo ng naturang health facility.
Matatandaan na naging malaking isyu ang pagpapatayo ng Mother and Child Hospital sa mga nakalipas na buwan bunsod ng magkaibang pananaw sa pagitan ng dalawang kampo sa Sangguniang Panlungsod ukol sa naturang proyekto.
Gayunpaman, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagsasakatuparan nito na magbigay benepisyo sa mga nanay at bata lalong lalo na ang mga indigent families. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









