Nakatakda nang simulan ang konstruksyon ng One Bonuan Pavillon na matatagpuan sa Tondaligan Beach, Bonuan Gueset, Dagupan City matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony nito.
Nasa isang daang milyong piso ang inaalaang pondo sa pagpapatayo nito mula kay Sen. Hontiveros ng nasyonal na gobyerno. Tiwala si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na makatutulong ang naturang proyekto sa pagpapayabong pa ng turismo ng Dagupan City kung saan ibinahagi nito ang inihahandang plano kaugnay nito.
Kasabay nito ang nalalapit ding pagsasara ng dumpsite sa lugar na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng turismo ng lungsod.
Inaasahan din ang paglago ng ekonomiya bilang dadagsain ang naturang pook pasyalan, maging pagbubukas ng ibat-ibang oportunidad para sa mga Dagupeños. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨