Sisimulan na ang konstruksyon ng Sinag-Laya Multi Purpose Gymnasium na matatagpuan sa bisinidad ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa Camp Antonio Sison, Lingayen, Pangasinan.
Pinangunahan ng Police Regional Office 1 ang groundbreaking ceremony kasama ang , Pangasinan PPO at DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office.
Nasa mahigit siyam na milyong piso ang pondong inilaan para sa naturang proyekto sa unang phase nito at inaasahang mapopondohan ng nasa dalawampung milyong piso pa para sa pagpapatuloy ng konstruksyon sa ikalawang phase.
Ayon kay DPWH Pangasinan Engr. Manuel, isa sa layunin nito ang pagpapalakas at pagsuporta sa police force ng probinsya at rehiyon saklaw ang kanilang iba’t-ibang trainings at operations maging ang pagkilala rin sa kanilang kontribusyon sa progreso ng bayan.
Sinabi naman ni PRO1 Regional Director , PBGEN Lou Evangelista, ang gusali ay magpapataas ng moral ng mga pulis at pagsusulong sa maayos na kalusugan ng mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨