Pagpapatayo ng paliparan sa Sulu, sisimulan na sa lalong madaling panahon – PBBM

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong pagpapatayo ng paliparan sa bayan ng Jolo, Sulu.

Ayon sa Pangulo, binabalangkas ang proyekto para sa Jolo Airport Development Project at sisimulan sa lalong madaling panahon.

Isang daang milyong piso ang ilalaang inisyal na pondo ng pamahalaan para sa pagsisimula ng naturang proyekto.


Nagpapatuloy rin ang pagpoproseso ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pamahalaang panlalawigan para sa pagpapatupad ng proyekto.

Samantala, pinakikilos na rin ng Pangulo ang Sulu Maritime Police laban sa mga iligal na pangingisda na nagaganap umano sa lalawigan.

Nagpapatrolya na ang kapulisan para mabantayan ang yamang dagat sa karagatan ng Sulu at tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisda.

Facebook Comments