PAGPAPATAYO NG PANGASINAN EASTERN-WESTERN EXPRESSWAY, ISINUSULONG

Natanggap na ni Pangasinan Governor Ramon Guico ang Preliminary Project Overview sa pagpapatayo ng Pangasinan Eastern-Western Expressway o PEWEx.
Ito ang nagdurugtong mula eastern at western boundaries ng probinsya sa Tarlac-Pangasinan- La Union Expressway (TPLEX) o sa Subic Tarlac Expressway (SCTEX).
Katuwang ng probinsya sa naturang proyekto ang pribadong sektor na PT Desain Manajemen Cipta Utama(DMCU) na isang Indonesian Investors.

Layunin nito na magsagawa ng disenyo, ipatayo, pondohan, pamahalaan at imaintain ang nasabing proyekto.
Ayon kay dating Bayambang Mayor Cezar T. Quiambao na Special Assistant to the Governor on Investments and Promotions, wala umanong gagastusin ang probinsiya at ang DMCU ang gagastos sa feasibility, technical at traffic studies sa PEWEx.
Ang PEWEx ay nakatakdang magbigay ng mabilis na biyahe sa mga motorista at makagawa ng mas maraming trabaho para sa mga Pangasinense. | ifmnews
Facebook Comments