Muling isinulong sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas para sa pagtatayo ng permanenteng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Nakapaloob ito sa House Bill 5152 o Permanent Evacuation Centers in Every City and Municipality Bill na inihain ni Makabayan bloc bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Karding.
Ang nabanggit na panukala ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong 18th Congress sa Kamara pero hindi ito lumusot sa Senado.
Base sa panukala, itatayo ang evacuation centers sa pagitan ng dalawa o tatlong barangay at dapat ito ay may sapat na imbal ng pagkain, tubig, gamot at communication equipment.
Daan din ang panukala na mahinto na ang palaging paggamit sa mga paaralan at covered court bilang evacuation centers.