PAGPAPATAYO NG RICE PROCESSING CENTER SA BAYAN NG BALUNGAO, IMINUNGKAHI

Iminungkahi ang pagpapatayo ng Rice Proposed Rice Processing Center sa bayan ng Balungao sa naganap na technical consultation ng ilang mga ahensya.
Dumalo sa nasabing sanggunian ang ilang mga katuwang na ahensya tulad ng mga Engineers and Architect mula sa Department of Agriculture, RFO1 Regional Agricultural Engineering Division, Bureau of Agriculture and Fisheries Engineering-Central Office, at ilang opisyales ng lokal na pamahalaan ng Balungao.
Ang Rice Processing Center ay tiyak na makatutulong sa pagpapayabong ng agrikultura ng bayan sa pamamagitan ng paggawa ng de-kalidad na giniling na bigas, maayos na distribusyon ng produkto, gayundin ang pagpapalaki ng ng paggamit sa mga byproducts.

Malaking katulungan din ito sa ekonomiya sa pamamagitan ng maaari mapababa nito ang presyo ng bigas makapagbigay ng mga insentibo at suporta sa mga magsasaka ng palay, at tiyakin ang isang patas na presyo ng pagbili para sa mga magsasaka sa kanilang palay.
Daan din ito upang mas mapalago ang produksyon ng bigas makapag-ambag sa food sustainability at seguridad sa bayan kung sakaling aprubado na ito at handa ng ipatayo sa bayan ng Balungao. |ifmnews
Facebook Comments