Pagpapatayo sa kontrobersyal na Kaliwa Dam, tuloy

Itututloy ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang proyekto sa pagtatayo sa kontrobersyal na Kaliwa Dam.

Ito ay kahit tinututulan ng mga katutubong nakatira sa Rizal at Quezon na matatamaan sa paggawa ng dam sa Kaliwa River.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., kahit bumalik na kasi sa normal operating level ang Angat Dam hindi pa rin tiyak na wala nang water supply interruption sa Metro Manila.


Giit pa ni David, malaking tulong ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam para hindi na sa Angat aasa ng domestic supply ang kamaynilaan.

Sinabi naman ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat, ang Kaliwa Dam ay aprubadong proyekto ng board of trustees.

Una nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang pagpili ng MWSS sa Chine Energy Engineering Corporation bilang contractor sa Kaliwa Dam.

Nilinaw naman ng COA na dumaan sa bidding ang proyekto.

Facebook Comments