Pagpapatibay ng climate resilience, tinalakay ni PBBM at ng dating opisyal ng United Nations

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating United Nations Secretary-General Ban Ki-moon ang pagpapatibay ng climate resilience at sustainability sa Pilipinas.

Sa courtesy call sa Malacañang, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Ban dahil sa patuloy nitong adbokasiya para sa kalikasan at sa pagtulong sa mga bansang matinding tinatamaan ng climate change, kabilang ang Pilipinas.

Nagpasalamat din si Ban sa mainit na pagtanggap at nagpahayag ng pag-asa na agad makababangon ang bansa mula sa pinsalang iniwan ng Bagyong Tino at Uwan.

Dumating si Ban sa bansa para sa Trans-Pacific Sustainability Dialogue sa Makati City, kung saan nanawagan siya sa international community na palakasin ang suporta sa mga bansang apektado ng mga sakunang dulot ng climate change.

Sa pulong, tiniyak ni Ban ang patuloy na suporta ng Global Green Growth Institute (GGGI) sa mga programa ng administrasyon para sa sustainable at climate-resilient development.

Facebook Comments