Dapat irespeto ng mga Anti-Terrorism Act petitioners kabilang ang ilang abogado at personalidad ang ginawang pagpapatibay ng ng Korte Suprema sa nasabing panukala.
Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na hindi dapat gumagawa ng anumang scandalous, offensive o menacing language ang mga abogado na patungkol sa Korte.
Aniya, ang mga ganitong akto ay nagdudulot o nagpo-promote lamang ng kawalang tiwala sa judicial administration ng bansa.
Ayon pa kay Calida, anumang isyu ang kinakaharap ng bansa ay dapat manatili sa lahat ang mataas na respeto sa High Court, sa integridad at proseso ng pagbuo sa mahalagang bahagi ng sangay ng pamahalaan.
Matatandaang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko at petioners ng Anti-Terrorism Act ang pagdeklarang constitutional sa halos lahat ng probisyon ng nasabing panukala.