
Ikinalugod ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa desisyon nito na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachement laban sa pangalawang pangulo.
Sa statement na inilabas ni Atty. Michael Poa, inihayag nito na malinaw ang panuntunan sa Saligang Batas hinggil sa tamang pagsunod sa impeachment proceedings.
Sinabi ni Poa na ngayong sarado na ang usapin, mahalaga aniya ngayon ang pag-move on at pagtuon sa pagtugon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.
Una nang iginiit ng Supreme Court (SC) na nalabag ang one-year bar rule dahil sa paghahain ng ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.
Ito ay habang hindi inaksyunan ang unang tatlong reklamo na inihain sa Kamara.
Facebook Comments










