Pagpapatibay ng panukalang National Land Use Act, pinamamadali ni Sen. Raffy Tulfo

Pinamamadali ni Senator Raffy Tulfo na mapagtibay na ang panukalang National Land Use Act para sa pangmatagalang proteksyon ng mga komunidad laban sa natural at man-made na kalamidad.

Ginawa ni Tulfo ang panawagan sa gitna na rin ng malakas na lindol na tumama kamakailan sa Turkey at Syria.

Sa pamamagitan aniya ng panukala ay matitiyak ang tamang pagkakakilanlan ng mga high-risk at danger-prone na lokasyon sa mga komunidad.


Iginiit pa ng mambabatas na kinakailangan na ring maghanda ang publiko sa anumang sakuna bago pa mahuli ang lahat.

Pinasusuri naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa national at local agencies ang structural integrity ng lahat ng mga gusali na nasa 50 taong gulang o higit pa upang matiyak na ligtas pa ang mga ito na tirhan.

Hinimok din ng senador ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga lokal na pamahalaan na tukuyin na ang mga lumang gusali na napatunayang hindi na ligtas at huwag na itong paokupahan.

Facebook Comments