Pagpapatibay ng Senado sa 2023 national budget, posibleng abutin pa ng unang linggo ng Disyembre

Posibleng abutin ng unang Linggo ng Disyembre ang pagpapatibay ng Senado sa P5.268 trillion na 2023 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian, aabot pa ng dalawang linggo ang ‘period of amendments’ ng pambansang pondo.

Aminado ang senador na mahaba-haba pa ang pagtalakay sa mga inilatag na amyenda sa 2023 budget.


Isa sa mga posibleng kakain ng oras sa amyenda ang kontrobersyal na confidential at intelligence funds ng ilang ahensya ng gobyerno gaya na lamang sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd).

Magkagayunman, pasok pa rin ang timeline ng Kongreso na maisumite sa lamesa ng pangulo ang 2023 national budget para maaprubahan at malagdaan ito bago magPasko.

Facebook Comments