Pagpapatibay sa bagong Building Act ng bansa, hiniling na iprayoridad ng isang kongresista

Hiniling ni Bulacan 6th District Rep. Salvador Pleyto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iprayoridad ang pagpasa sa inihain niyang House Bill 1180 na layuning palitan ang Presidential Decree 1896 at magtatag ng bagong Philippine Building Act.

Giit ni Pleyto, ang magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra at iba pang lugar sa Northern Luzon noong July 27 ay patunay sa kahalagahan na maipasa ang nabanggit na panukala.

Sa ilalim ng panukala ay magtatakda ng mga regulasyon sa pagpaplano, disenyo, konstruksyon, paninirahan, maintenance, at paggiba ng mga gusali.


Kasama dito ang pagsusulong ng katatagan ng mga gusali laban sa mga lindol, sunog, baha, pagguho ng lupa, bagyo, pagputok ng bulkan at iba pa.

Diin ni Pleyto, bagama’t walang kapangyarihan ang tao na baguhin o ipahinto ang isang natural phenomenon tulad ng lindol, ay maaari namang paghandaan kung paano maiwasan ang matinding pinsala at kamatayan.

Facebook Comments