Pagpapatibay sa kultura ng mga Pilipino at pagkakaisa ng lahat sa gitna ng pandemya, panawagan ng CHR

Nababahala na ang Commission on Human Rights (CHR) sa patuloy na epekto ng pandemya sa sitwasyon ng mental health ng mga Pilipino.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, ang Pilipinas ang mayroong pinakamahaba at sunod-sunod na quarantine at pumasok na sa top 20 countries na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Batay aniya sa monthly hotline calls on depression na naitala ng National Center for Mental Health, umakyat sa bilang na 400 ang nagkakaroon ng matinding depression.


Ito’y mula sa bilang na 80 bago ang lockdown.

Dagdag ni de Guia, dulot ito ng libo-libong nawalan ng trabaho at sa mga namatayan ng mahal sa buhay na hindi pa rin makabangon sa paghihinagpis.

Marami rin aniya sa mga medical worker ay humaharap pa rin sa matinding hamon at may pangambang maiuwi sa kanilang mga bahay ang virus.

Payo ni de Guia, habang hindi pa nakakalagpas ang bansa sa COVID-19 at habang patungo ang lahat sa new normal, kailangang patibayin ang kultura ng mga Pilipino na pagbibigkis ng samahan o pagkakaibigan.

Facebook Comments