Pagpapatibay sa Maris Dam Bridge, Napapanahon

Cauayan City, Isabela- Tamang-tama lamang sa panahon ngayon ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Isabela Third District Engineering Office kaugnay sa pagpapatibay sa Maris Dam na matatagpuan sa bayan ng Ramon, Isabela.

Nakumpleto ng DPWH Isabela noong Nobyembre 27, 2020 ang kontruksyon ng 001: Ensure Safe and Reliable National Road System – Bridge Program – Retrofitting/Strengthening of Permanent Bridges gaya ng Maris Dam.

Layon ng nasabing proyekto na lalong patibayin ang istraktura upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang pinsala lalo na kung may kalamidad o sakuna.


Tinatayang aabot naman sa Php 94,502,813.99 ang halaga ng naturang proyekto.

Ayon kay District Engineer Editha Babaran, napapanahon ang retrofitting ng Maris Dam dahil na rin sa mga nagdaang bagyo at iba pang sakuna na tumama sa Isabela.

*tAGS: 98.5 IFM CAUYAN, IFM CAUAYAN, CAUAYAN CITY, ISABELA, LUZON, MARIS DAM, DPWH ISABELA*

Facebook Comments