Pagpapatibay sa mga panukala kaugnay sa pagpapabilis ng proseso ng mga kaso sa bansa, iginiit na sa Kamara

Hiniling sa Kamara na madaliin ang pag-apruba ng panukalang batas para sa pagpapabilis ng pagpoproseso ng kaso sa bansa.

Aminado ang mga mambabatas na napakabagal ng pag-usad sa mga kaso na kadalasang nilulumot na sa tagal na nakatengga sa korte.

Dahil din sa matagal na proseso ng paglilitis ay taon ang itinatagal ng mga kaso sa bansa.


Sa katunayan, nakabinbin ngayon sa Kamara ang mga panukala na ang layon ay amyendahan ang “justice system” sa bansa.

Isa sa mga tinukoy na problema sa mga kaso ay ang tinatawag na “trial by publicity”.

Umaasa ang Mababang Kapulungan sa agarang pagpapatibay ng mga panukala sa pagsasaayos ng sistema ng hustisya sa bansa ngayong bago matapos ang 18th Congress.

Facebook Comments