Pagpapatigil ng price cap sa bigas, suportado ng DOF

Muling iginiit ng Department of Finance (DOF) na suportado nila ang naging desisyon ni Pangulonng Ferdinand Marcos Jr., na i-lift na ang price cap sa bigas.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, napapanahon ang desisyon ng Pangulong Marcos dahil sapat na ang suplay ng bigas sa bansa.

Aniya, sinisimulan na ng lokal na magsasaka ang pag-ani ng bigas bukod pa sa pagdating ng mga ini-import.


Dagdag pa ni Diokno, ang naging hakbang ng Pangulong Marcos ay naging mabisa kaya’t napigilan ang hoarding at smuggling ng bigas.

Bukod dito, isa rin sa naging dahilan kaya dumami ang suplay ay dahil sa naging hakbang ng pamahalaan na ipamahagi ang mga nakukumpiskang smuggled na bigas.

Pero aminado si Diokno na hindi pa nila masabi kung naging epektibo nga ba ang price cap sa bigas lalo na’t ipinatupad lamang ito sa regular at well-milled rice.

Samantala, inihayag naman ni Diokno na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang pagpapalawig ng Executive Order No. 10 na nagtatakda ng mababang singil sa tariff ng bigas, mais at karne na magtatapos sa buwan ng Disyembre.

Facebook Comments