Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang malaking kalokohan kapag itinigil ang importasyon ng bigas.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng isang powerplant sa Saranggani, sinabi ng Pangulo na nakakatulong ang rice importation upang magkaroon ng matatag na supply ng bigas lalo na sa panahon ng kalamidad.
Dagdag pa niya, palaging hindi siya nauunawaan.
Tiniyak naman ng Pangulo sa mga magsasaka na bibilhin ng gobyerno ang mga nagapas nilang mga palay.
Bago ito, ipinag-utos ng Pangulo ang suspensyon ng rice importation tuwing harvest season at bumili ng palay sa mga magsasaka.
Facebook Comments