Hindi kinakitaan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kailanman ng kahit konting sensiridad sa usapang pangkapayapaan ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA.
Bilang dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) ay nasaksihan ni Dela Rosa na ginagamit lang ng mga makakaliwa ang mga usapang pangkapayapaan para isahan ang gobyerno at para makapagpalakas ng pwersa.
Ito ang dahilan kaya buo ang suporta ni Dela Rosa sa pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa partido komunista.
Magugunitang nagbanta din ang Pangulo na magdedeklara ng Martial Law kapag hindi tumigil ang NPA sa pag-atake sa mga pulis at sundalo at sa mga naghahatid ng tulong ngayong may COVID-19 crisis.
Facebook Comments