Pagpapatigil sa Paglilibing sa Lumang Sementeryo ng Cauayan City, Isabela, Ipinaliwanag ni Councilor Edgardo Atienza!

*Cauayan City, Isabela-* Pinatigil na ng Pamahalaang Panlungsod ang paglilibing sa lumang sementeryo dito sa Lungsod ng Cauayan dahil umano sa patung-patong na ang mga nitso at halos wala na ring madaanan ang mga dumadalaw na pamilya ng mga nakalibing.

Ito ang nilinaw ni Sangguniang Panlungsod Edgardo Atienza, ang Chairman ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Chairman ng Committee on Land Use Urban Development and Housing dahil nagsabi na rin umano ang Department Of Health na huwag ng palibingan ang lumang sementeryo dito sa ating lungsod dahil masyado ng siksikan at hindi na rin komportable ang mga naglilibing dahil sa sobrang dami ng mga nitso.

Aniya, Aayusin umano nila ito upang mas maayos na tignan at sa katunayan ay mayroon na umanong pinagawang bagong sementeryo si City Mayor Bernard Dy sa brgy. San Francisco na mapapakinabangan ng isangdaang taon kung saan mas kumportable na rin umano ang mga maglilibing.


Plano rin umano ng Pamahalaang Panlungsod na patayuan ito ng chapel upang dito na rin umano isagawa ang mga seremonya bago ang paglilibing.

Ayon pa kay Councilor Atienza, wala na umanong gaanong gagastusin ang mga Cauayenos sa pagpapalibing dahil kailangan lamang umanong magbayad ng isang libong piso sa Cityhall at sila na umano ang gagawa para sa libingan ng yumao.

Pwede na rin umanong magrequest ng sasakyan sa Cityhall ang mga maglilibing upang maihatid sa huling hantungan ang kanilang yumaong mahal sa buhay.

Facebook Comments