Pagpapatigil sa pagsasagawa ng mga reclamation project, ipinanawagan sa gobyerno ng ilang grupo

Nanawagan sa gobyerno ang ilang environmentalists, mangingisda at eksperto na itigil na ang pagsasagawa ng mga reclamation projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sumisira sa kalikasan.

Sa inilabas na pahayag mula sa 80 organisasyon sa bansa, hinimok nito ang gobyerno na magkaroon ng isang kautusang magpapatigil sa pag-apruba sa mga maliliit at malalaking dump-and-fill projects.

Partikular namang tinukoy ang mga large-scale reclamation projects sa Manila Bay, Dumaguete City, Consolacion at Minglanilla sa Cebu province.


Giit ng grupo, paglabag ang mga proyekto sa ilang environmental laws tulad ng:

 Amended Fisheries Code
 Expanded National Integrated Protected Areas System
 Wildlife Resources Conservation and Protection Act
 Clean Water Act
 Environmental Impact System Act
 National Cultural Heritage Act
 Local Government Code
 Climate Change Act
 Impacts on fishers

Ipinadala ang panawagan sa; Philippine Reclamation Authority; Department of Agriculture; Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; Department of Environment and Natural Resources and Biodiversity Management Bureau; Department of the Interior and Local Government; at iba pang sangay ng gobyerno.

Facebook Comments