Walang batas na nagbibigay ng pahintulot sa China na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito ang iginiit ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa gitna ng patuloy na pananatili ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap na dapat pa ngang pagbayarin ang gobyerno ng China sa ginagawa nitong pagsira sa mga marine life sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).
Kaugnay nito, sinabi ng maritime expert na si Professor Jay batongbacal na nagbunga ang paghahain ng Pilipinas ng mga diplomatic protest laban sa China dahil kahit papaano ay umalis na ang ilang Chinese vessels na nasa Julian Felipe Reef.
Aniya, malaking bagay ang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagpapatrolya sa ating karagatan para igiit ang ating soberenya at matiyak na hindi na bumabalik ang mga barko ng China.