Pagpapatrolya ng AFP sa Bajo de Masinloc, magpapatuloy kahit nakaalis na ang monster ship ng China

Tuloy ang pagpapatrolya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bajo de Masinloc kahit na wala na roon ang monster ship ng China na namataan kamakailan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na base sa kanilang monitoring, dumaan lamang sa lugar ang nasabing monster ship pero bahagi aniya ito ng illegal coercive, aggressive deception ng China.

Pagtitiyak ni Padilla, tuloy-tuloy ang pagpapatrolya ng mga barko ng Philippine Navy gayundin ang pagsasagawa ng maritime patrol ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard.


Samantala, may nakahanda rin aniyang contingency plan ang AFP sakaling ituloy ng China ang banta nitong manghuli ng mga dayuhang mangingisda sa West Philippine Sea.

Gayunpaman, tumanggi si Padilla na banggitin ang planong ito para hindi mabasa ng China ang galaw ng ating militar.

Facebook Comments