Pagpapatrolya ng PCG sa Laguna Lake, palalakasin

Nakipagpulong ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Muntinlupa Local Government Unit (LGU) kaugnay ng pagpapalakas ng pagpapatrolya sa Laguna Lake.

Magiging katuwang ng PCG sa pagbabantay sa lawa ang Lake Management Office ng Muntinlupa.

Bahagi rin ito ng ugnayan ng Coast Guard at ng Muntinlupa LGU para sa disaster risk management.


Magugunitang maraming barangay sa Muntinlupa City ang madalas lumubog sa tubig kapag umaapaw ang Laguna Lake lalo na kapag panahon ng tag-ulan o kapag may bagyo.

Facebook Comments