Pagpapatrolya ng US sa West Philippine Sea, makakatulong sa Pilipinas sakaling may gawing pananakop ang China

Makakatulong sa Pilipinas ang regular na pagpapatrolya ng US Freedom of Navigation (FON) operations sa South China Sea kung mayroong ginagawang pananakop ang China sa lugar.

Ito ang paniniwala ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez kaugnay sa pagpasok ng Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ng US Navy noong Abril 4 para magsagawa ng routine operations sa West Philippine Sea.

Para kay Rodriguez, dapat dalasan ng US Navy ang pagpapatrolya para makita nila ang ginagawang pag-aagaw ng China sa karagatang nasasakupan ng Pilipinas.


Magugunitang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China makaraang makita ang mahigit 200 barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.

Pero iginiit ng Chinese foreign ministry na ang natitirang 44 na bangkang-tsina sa Julian Felipe Reef ay panandalian lamang.

Facebook Comments